Ang doctor para sa utong ay isang family medicine kung ito ay tungkol sa general concerns. Sa mga babae, pwede rin itong ikonsulta sa isang OB Gynecologist.
Ano ang mga pwede kong ipa-check up sa doctor na ito?
Ang karaniwang sinasabi ng mga pasyente sa doctor ay ang pananakit ng utong. Ang dede at dibdib ay pwedeng may kinalaman dito. Sa mga ilang pasyente, maaari rin silang kumonsulta kung ito ay:
- Nangangati sa gitna ng utong
- Namumula
- May lumalabas na dugo o nana ayon sa Cleveland Clinic
- Lumalaki ang utong
Mga Sakit na Ginagamot
Iba-iba ang pwedeng gamutin ng isang family medicine. Sa una, siya ay pwedeng mag-suggest ng mga pain reliever. Pero kung irerefer ka niya sa OB Gyne o kaya dermatologist (doctor sa balat), pwedeng iba ang gamutin base sa sanhi.
Ilan sa mga posibleng dahilan ng masakit ng utong ay cancer, dermatitis, infection o kaya tumor. Dapat na ipasuri muna ito sa doctor para malaman ang tunay na dahilan.
Ang mga sintomas mo ay hindi nangangahulugan kaagad na may malalang sakit ka. Doctor lang ang pwedeng magsabi nito.
Mga na pwede niyang ipagawa
Depende sa sintomas mo, pwede ipagawa ng doktor ang mga sumusunod na tests:
- Visual inspection
- X-ray
- Ultrasound
Mga Treatment na Binibigay ng mga Doctor na ito:
Depende sa nakikitang diagnosis ng doctor, pwede siyang magbigay ng pain reliever na nabibili sa mga pharmacy. Kung ikaw naman ay may tumors, ito ay ginagamitan ng surgical procedure.
Leave a Reply