Ang doctor para sa mata ay isang Ophthalmologist. Pwede itong gumamot at mag-opera depende sa kalagayan ng pasyente.
Klase ng mga sintomas na pwedeng ikonsulta sa opthalmologist
Pwede kang magtanong sa kanya ng may kinalaman sa panlalabo ng paningin. Kung meron kang nakikitang mga lumulutang na puti-puti, itim na tuldok o parang mga sapot, ang doctor na ito ang tamang konsultahin.
Sa isang banda, ang pagdidilim ng paningin, pagkakaroon ng pula at makating mata, pagdudugo o kaya hindi makontrol na pagluha ay nagagamot din ng isang ophthalmologist. Kailangan mo lang agapan para hindi lumala ang kondisyon.
Mga kadalasng sakit na ginagamot ng isang Ophthalmologist
Ang ganitong doctor ay gumagamot ng pressure sa mata gaya ng glaucoma. Pwede ring sa kanya ang treatment para sa sore eyes, pagkaduling, pagkabanlag at iba pang tungkol sa paggalaw ng mata.
Ang cataract o katarata ay isa sa pinaka-popular na karamdaman na pwedeng gamutin ng doctor na ito.
Ano ang mga karaniwang test na pinapagawa niya?
Ang simpleng eye test at inspection ay pwede na niyang gawin kapag ikaw ay kumonsulta sa clinic. Pero ilan sa mga dagdag na tests ay fundus photo o angiography.
Mga Treatment na Binibigay ng Ophthalmologist
Depende sa iyong kondisyon, pwede siyang magbigay ng eye drops na may antibacterial properties. Kung ito ay infections, maaari mo na itong mabili sa pharmacies. May mga special surgeries din gaya ng Lasik surgery, corneal transplant, cataract at glaucoma surgery.
References: UCLA
Leave a Reply