Ang doctor para sa tiyan o sikmura ay isang Gastroenterologist. Siya ang pwedeng tanungin kung may mga sintomas tungkol sa pagtunaw ng pagkain. Ang adults at children ay pwedeng tumungo sa doctor na ito para magpa check-up.
Mga Sintomas na pwedeng Ikonsulta sa kanya:
- Masakit na tiyan
- Mahapdi ang sikmura
- Palaging dumidighay at mataas ang acid
- Nagsusuka
- Nagtatae
Mga Sakit na Ginagamot
Ang isang gastro doctor ay gumagamot ng ulcer, diarrhea at hyperacidity. Ilan lang ito sa mga madalas itanong sa doctor. Pero kung may kinalaman sa maselan na sakit, surgery ang susunod na treatment. Ito ay pwedeng mangyari sa mga pasyenteng may cancer.
Mga Test na Pwedeng Ipagawa:
Sa simpleng pagpisil ng tiyan ay pwedeng malaman ng doctor ang dahilan ng iyong sintomas. Pero kung kailangan ng ilang imaging test, pwede siyang magrequest ng x-ray, endoscopy, ultrasound o MRI.
Mga Treatment na Binibigay ng Gastroenterologist
Gamot muna ang una niyang ibibigay. Kung may nakikitang abnormalities, pwede siyang gumawa ng surgery.
Kapag meron tayong kahit anong problema sa tiyan at relasyon sa pagkain, pwede natin kausapin ang isang Gastro doctor. Ang gastro doctor ay maraming nasasakupan na parte ng digestive system.
Source: ClevelandClinic
Leave a Reply