Home / Uri ng Doctor / Doctor Para sa Ari ng Lalaki

Doctor Para sa Ari ng Lalaki

Ang doctor para sa ari ng lalaki ay isang Urologist. Pwedeng ikonsulta ang mga sintomas na may kinalaman sa pag-ihi, ejaculation at pananakit sa bayag at titi (penis).

Questionnaire

Questions

Ano ang nararamdaman mo?



Nararamdaman mo ba ang mga ito?

Minsan, kapag umiihi ka, parang mahapdi ang butas at nasusunog. Sobrang sakit nito gaya na kung mapasukan ng sabon o shampoo.

Yung mga butlig?

May mga ilang pasyente naman na merong parang butlig sa loob ng ari. Pwedeng infections ang mga ito lalo na kung ikaw ay sexually active. Kung nakakakita ng kumakatas na liquid na mukhang nana o kaya dugo, magpatingin na agad sa doktor.

Huwag mahiya dahil mas importante ang health mo.

Hirap tumigas

Kasalasan ito ay problema ng mga may edad na lalaki. Pero ayon sa research kahit ang mga lalaking may diabetes at stressed ay pwedeng mahirapan magpatigas ng ari. Kung ikaw ay may balak na magkaanak, maaring problema nga ito.

Pwede rin magkaroon ng parang naipit na ugat sa ari. Pwede itong magmukhang matigas na ugat at nabarahan, nakikita sa ilalim ng ulo o kaya naman sa mismong katawan ng titi.

Pwede rin sa doctor ang sumasakit na bayag. Kung natatakot ka na hindi ito pantay, huwag mag-alala dahil normal lang ito.

Pero ang isang senyales ng testicular cancer ay yung parang matigas na bukol sa kahit anong parte ng itlog. Makakapa mo ito lalo na kapag matapos maligo ng mainit na tubig.

Ano ang mga pwede kong itanong sa kanya?

Pwedeng ang mga sintomas mo ay pagsakit ng butas ng ari (titi), pananakit ng bayag, pagkakaroon ng bukol sa itlog, sumasakit kapag umiihi o paglabas ng semilya, hindi tumitigas na ari, nahihirapan magka-anak, may dugo sa ihi.

Ano ang kaya niyang gamutin na sakit ko?

Kabilang sa mga karaniwang sakit na kanilang ginagamot ay ang urinary tract infections (UTIs), na nagdudulot ng pananakit at pag-ihi nang madalas; kidney stones, na maaaring magdulot ng matinding sakit at blockage sa ihi; benign prostatic hyperplasia (BPH), isang kondisyon na nagdudulot ng paglaki ng prostate na nagiging sanhi ng problema sa pag-ihi; at prostatitis, isang pamamaga ng prostate na maaaring magdulot ng pananakit sa pelvic area.

May mga common tests ba siya ng binibigay sa pasyente?

Meron at ilan sa mga ito ay digital rectal exam sa puwet, ultrasound, biopsy, prostate exam, semen analysis, blood test at urinalysis. Ilan sa mga ito ay kailangan mo munang uminom ng tubig at maghintay na maihi.


Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected !!