Ang doctor para sa dila ay isang ENT na tinatawag ding Otolaryngologist. Sila ang experts pagdating sa loob ng bunganga at mga parte nito.
Mga Sintomas na pwedeng Ikonsulta sa kanila
Kung namamnhid ang dila, pwede itong sabihin sa doctor na ito. Ilan pang kondisyon ay nawalan ng panlasa, masakit kapag ginagalaw o kumakain, namamaga, may sugat at pagdurugo o kaya naman ay may bukol o butlig.
Ano ang mga sakit na ginagamot ng ENT?
Maaaring anf ENT doctor ay may ka-partner na surgeon para sa tongue cancer. Ilan sa mga pwede niyang gamutin ay infection, sugat sa dila at cancer.
Mga Test na Pwedeng Ipagawa ng Doctor na Ito
Depende sa kalagayan mo, pwede siyang magpagawa ng biopsy, visual inspection o kaya x-ray, CT scan at MRI.
Mga Treatment na Binibigay ng ENT
Ang cancer sa dila ay pwedeng bigyan ng treatment gaya ng surgery, chemotherapy at radiotherapy. Pwede ring gamitan ng medication depende sa iyong sakit.
Ang problema natin sa dila ay pwedeng tungkol sa physical na anyo o kaya naman dahil sa pananakit. May ilang infections din na pwedeng makita sa dila natin gaya ng Candidiasis.
Source: MedicineNet
Leave a Reply