Ang doctor para sa pusod ay isang Gastroenterologist dahil may kinalaman ito sa digestive system. Pero pwede ka niyang i-refer sa isang hernia surgeon ayon sa WebMD.
Ano ang pwedeng ikonsulta sa doctor na ito?
Pwede mong itanong sa kanya ang masakit na pusod sa loob kapag nag-iinat (stretching), pgkakaroon ng dugo sa pusod, ito ay nakausli, namumula, namamaga at mabaho ang amoy, makati at may nana, may bukol sa loob
Ano ang mga sakit na madalas niyang gamutin?
Siya ay pwedeng gumamot ng diarrhea, gastritis, infection sa bituka at iba pa. Kung madalas kang dumighay at sumasakit ang pusod, pwede ka rin niyang matingnan base sa physical tests gaya ng pagpisil sa tiyan.
Sa ganitong paraan, malalaman niya kung may bukol sa loob o wala. Ang pagdiin sa bandang ibabang bahagi ng sikmura ay pwede rin niyang gawin.
May mga test ba siya na ipapagawa?
Pwede ka niyan biyan ng reseta paa magpa ultrasound, MRI o kaya simpleng inspection lang. Sa visual inspection, pwede niya makita kung may problema sa labas ng pusod.
May binibigay ba siyang mga gamot o kaya naman treatment?
Depende sa diagnosis, pwede siyang magbigay ng antibiotics sa infections. Surgery naman ang kailangan kapag may hernia o luslos.
Leave a Reply