Ang doctor para sa puson ay isang Gastroenterologist. Ngunit pwede ring ang sintomas ay may kinalaman sa pag-ihi na pwedeng tingnan ng isang Urologist ayon sa Mount Sinai.
Ano ang mga problema na pwede kong sabihin sa doctor?
Ang mga sintomas gaya nang masakit na puson, hindi makaihi ng maayos, humihilab ang puson at tiyan, parang namamaga ang ibaba na parte ng tiyan at parang sinuntok na pakiramdam ay maaaring ikonsulta sa kanya.
Ano ang mga madalas na ginagamot na sakit?
Pwede niyang gamutin ang appendicities, constipation, diarrhea o kaya colon cancer. Dahil komplikado ang puson, maaaring i-refer ka nya sa urologist para sa prostate at kidney o kaya sa OB Gyne pag sa babae.
Mga test na pwedeng ipagawa ng Doctor:
Sa unang assessment, pwede niyang ipagawa muna ang ultrasound. May ilang cases na pwede rin ang x-ray depende sa kanyang evaluation.
Mga treatment na binibigay niya
Madalas, gamot muna ang ibibigay niya. Kung ito ay infection, pwedeng umabot ito ng 2 weeks. Para sa mas malala na kondisyon, surgery ang susunod na hakbang kung kailangan.
Paalala:
Sa mga babae, ang masakit na puson ay pwedeng may kinalaman sa dysmenorrhea o kaya naman sa reproductive organs. Makabubuti ring magpa-check up sa isang OB Gyne.
Pwedeng ipagawa ng doctor ang transvaginal ultrasound o kaya ay pap smear.
Sa mga lalaki naman, ang pananakit ng puson ay pwedeng may kinalaman sa prostate na isang Urologist naman ang pwedeng konsultahin.
Pwedeng ipagawa nito ang PSA test, digital rectal exam o kaya biopsy.
Leave a Reply