Home / Uri ng Doctor / Doctor Para Sa Puwet

Doctor Para Sa Puwet

Ang doctor na may kinalaman sa butas ng puwet ay Gastroenterologist. Ang sabi ng WebMD, pwede ka rin magpa check-up sa isang colorectal surgeon.

Mga Sintomas na pwedeng Ikonsulta:

Dalawa ang pwedeng pagmulan ng sintomas sa puwet. Pwedeng may nararamdaman ka sa mismong butas o kaya naman sa mga gilid na pisngi nito. Kung sa butas, ito ang mga pwed mong maramdaman:

  • Masakit na butas ng puwet
  • Nangangati ang butas
  • May nakalabas na laman
  • Malagkit palagi ang pakiramdam

Kung sa pisngi naman ng puwet, ito ang mga posibleng sintomas mo:

  • Masakit na parang may tumutusok
  • Nangangalay
  • Parang nababanat ang puwet
  • Parang may pasa at nabugbog

Mga Sakit na Ginagamot:

Ano ba ang nagagamot nilang sakit? Ilan sa mga ito ay almoranas, infection sa butas, mga STD o kaya naman injuries sa pisngi ng puwet.

Mga test na pwedeng ipagawa ng doctor sa puwet:

Ang colonoscopy, x-ray at rectal exam ay ilang lamang sa mga unang tests na pwedeng ipagawa. Depende sa mga resulta, ang susunod na steps ay maaaring gamutan na.

Mga Treatment na Binibigay ng Gastroenterologist:

Pwedeng magbigay siya ng mga pamahid n a cream. Ayos sa aming research, madalas na infections ang dahilan kaya ang doctor ay nagbibigay ng creams at suppository depende sa gusto mong paraan.

Kung may kinalaman sa malalang almoranas, pwedeng surgery ang irekomenda sa iyo ng doctor.


Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected !!