Ang doctor para sa ulo ay isang Neurologist. Maari ka ring kumonsulta sa Family Medicine ngunit kung ang sintomas ay nasa loob, pwede itong tingnan ng isang doctor para sa utak at nerves.
Mga Sintomas na pwedeng Ikonsulta:
- Masakit na ulo
- Pagkahilo
- Pananakit ng ulo na may paglabo ng paningin
- Injury gaya ng bagok sa ulo o trauma
- Kasama dito ang mga may kinalaman sa utak
Mga Sakit na Ginagamot Nito
Ang karaniwang headache ang siyang number one na sintomas na kinokonsulta sa neuro. Pwedeng ito ay migraine, cluster o tension headache o kaya naman brain tumor na pwedeng maging cancerous.
Mga Test na Pinapagawa
Alam natin na delikado ang mga sakit sa ulo kaya advanced tests din ang pwedeng ibigay ng doctor. Ilan sa mga ito ay CT scan, MRI o kaya simpleng x-ray. Ang paulit ulit na pagsakit ay dapat na ikonsulta agad.
Mga Treatment na Binibigay ng Neurologist
Kung may hinala na ang doctor sa dahilan ng sakit, pwede siyang magbigay ng pain relievers. Medication ang unang gagawin nito bago ang ibang treatment. Kung may kinalaman sa stroke, aneurysm at tumor, surgery ang pwede niyan gawin.
Leave a Reply